Ni-rescue ng Barangay Pinagkaisahan ang isang tuta na halos maanod na sa malakas na agos ng ilog bunsod ng Bagyong #KristinePH.
Ang furbaby na si Kristine ay kasalukuyang inaalagaan ng Quezon City Veterinary Department (QCVD) sa QC Animal Care and Adoption Center.
Ang mga city veterinarian ay naka-standby din para asikasuhin ang mga alagang hayop ng mga QCitizen na kasalukuyang namamalagi sa mga evacuation site.