Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte kahapon ang mga evacuation sites na inihanda ng Pamahalaang Lungsod Quezon upang may pansamantalang matuluyan ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa NIA Road, Barangay Pinyahan.
Inatasan ng Alkalde ang mga departamento ng lungsod na tiyaking inaasikaso ang mga pangangailangan ng mga pamilyang apektado.
Patuloy naman ang pamamahagi ng lungsod ng mga relief goods, starter kits, gamot, mga damit, bigas, malinis na tubig, hygiene kits, grocery packs, at maayos na matutulugan sa mga residente.








