Agad nailikas ang 5 pamilya mula sa Brgy. Project 6 at kasalukuyang nasa 2nd Flr., Multi-Purpose Hall na nagsisilbing evacuation site ng barangay.
Kasalukuyan ding nagsasagawa ng rescue operations sa Barangay San Isidro.
Upang masiguro ang kaligtasan ng QCitizens, patuloy na nakabantay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), District Action Offices, at mga opisyal ng barangay.
Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.




