Nakatanggap ng hot meals mula sa lokal na pamahalaan ang mga pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Siena evacuation center na apektado ng pagbaha dulot ng habagat.
Patuloy naman ang pagkalinga ng lokal na pamahalaan sa mga pamilya sa iba-ibang evacuation sites sa lungsod, sa pamamagitan ng pagbibigay ng hot meals, at iba pa nilang pangangailangan.
Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.




