Congratulations, SK Commonwealth! ![]()
Taos-pusong binabati ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Commonwealth sa sunod-sunod na parangal at pagkilalang kanilang natanggap para sa natatanging pamumuno at mga programa.
Sa Philippine Sangguniang Kabataan Awards (PSKA) 2026, nasungkit ng SK Commonwealth ang:
PSKA Hall of Excellence Award
Most Outstanding SK Award β Council Category
Most Outstanding SK Award β Project Category para sa Project TEENdahan: SK Mini Sari-Sari Store at Commonwealth Young Leaders Coalition
Nagkamit din ang SK Commonwealth ng pagkilala sa 2026 Ten Outstanding UN SDG Awards (TOUSA), kabilang ang Top 5 National Winner sa UN SDG Awards at Most Outstanding SK for the Planet Award, bilang pagkilala sa kanilang mga proyektong pangkalikasan.
Nawaβy patuloy na maging inspirasyon ang SK Commonwealth sa bawat kabataang QCitizen.







