BLESSED SATURDAY! 🙏

Kaisa ng mga QCitizen si Mayor Joy Belmonte na nanalangin sa Fiesta Mass bilang bahagi ng selebrasyon ng kapistahan ng Barangay South Triangle ngayong Sabado.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Randy Flores, SVD ang misa ng barangay. Sa darating na Pebrero 25 ang pista ng barangay na kasabay ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Dumalo rin sa misa sina District 4 Rep. Marvin Rillo, Councilors Nanette Daza, Raquel Malañgen, Atty. Vincent Belmonte, Ivy Lagman, at Punong Barangay Beverly Gaw.

+15