PROGRESIBONG BARANGAY SA QC!
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa paglulunsad ng dalawang bagong programa ng Barangay St. Ignatius na layong mapabilis ang mga serbisyo ng barangay at pangalagaan ang mental health needs ng QCitizens sa Distrito 3.
Ang St. Ignatius ang kauna-unahang barangay biller-partner ng Gcash sa buong bansa. Layon nitong maging digitalize ang mga transaksyon ng barangay para sa kanilang mga residente.
Inilunsad din ng barangay ang Project Kaloob katuwang ang Circle of Hope para magbigay ng libreng teletherapy services na layong mapabuti ang mental health ng QCitizens sa barangay.
Pinuri ni Mayor Joy ang inisyatibo ng barangay at nais ng alkalde na tularan ito ng iba pang mga komunidad sa Lungsod Quezon alinsunod sa good governance at digitalization initiatives na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.
Dumalo sa paglunsad ng mga programa sina District 3 Action Officer Atty. Tommy de Castro, P/B Agnes Angeles and council, Gcash Regional head Rafael Antonio Tecson, at Circle of Hope Executive Director Mike Shimamoto.




