Pansamantalang tumutuloy ang aabot sa 400 indibidwal sa Diosdado P. Macapagal Elementary School sa Barangay Tatalon matapos manalasa ang Habagat at bagyong #CrisingPHsa Lungsod Quezon.
Namahagi na rin ng relief goods ang Pamahalaang Lungsod para sa mga apektadong QCitizen families.
Nakaantabay naman ang QC Health Department at ang mga kawani ng barangay upang tumugon sa pangangailangang medikal ng mga lumikas na residente.
Patuloy ang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga pamilyang apektado, partikular na sa pagkain at pagsisigurong kumportable ang pansamantalang panunuluyan ng QCitizens.




