Nailikas ang 14 na pamilya sa Brgy. UP Campus at kasalukuyang nasa Pook Dagohoy Covered Court na nagsisilbing evacuation site ng barangay.
Namahagi na rin ang lokal na pamahalaan ng pagkain, tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan ng evacuees.
Patuloy na nakabantay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), District Action Offices, at mga opisyal ng barangay upang masiguro ang kaligtasan ng QCitizens.
Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.



