Bumisita kay Mayor Joy Belmonte ang mga nahalal na opisyal ng Barangay UP Campus sa pangunguna ni P/B Lawrence Mappala.

Tinalakay sa pulong ang iba-ibang imprastraktura at mga programa ng lokal na pamahalaan na maaring mapakinabangan ng QCitizens ng barangay.

Kasama na rito ang pagsasaayos at pagpapatayo ng dialysis center, basketball court, pagdaragdag ng street lights, pagkumpuni ng mga daanan at drainage systems. Napag-usapan din ang dagdag oportunidad sa mga kabataan ng barangay upang sila ay makapag-aral at makapagtrabaho.

Dumalo rin sa meeting sina Chief of Staff Rowena Macatao, City General Services Department OIC Fe Bass, QC Health Department OIC Ramona Abarquez, at Assistant City Attorney Atty. Carlo Austria.

+2