85 na mga babae mula sa Districts 2, 5, at 6 ang sumailalim sa libreng Basic Computer Literacy Seminar na QC Tekinanays program ng Lungsod Quezon bilang bahagi ng selebrasyon ng Women’s Month.
Sa pangangasiwa ng QC Gender and Development Council, QC Schools Division Office, at QC Persons With Disability Affairs Office, tinalakay sa seminar ang ilang topics kaugnay ng parenting, cyberbullying at cyber security awareness. Tinuruan din sila sa tamang paggamit ng Facebook at Canva.