Nakiisa ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod Quezon at media personnel sa “Bata sa Likod ng Balita: A Forum on Child-Sensitive Reporting” na inorganisa ng QC Public Affairs and Information Services Department (QC PAISD) at Philippine Children’s Ministries Network (PCMN) ngayong Huwebes.
Layon ng forum na mapalawak pa ang kaalaman ng mga dumalo sa children’s rights, ligal at etikal na pagbabalita, at responsableng paglalabas ng impormasyon tungkol sa mga kabataan.
Nagsilbing mga speakers sina PAISD Head Engelbert Apostol, Journalist Jacque Manabat, Atty. Obed Dela Cruz, Anchor Ryan Lao, Ela De Leon-Homillano at Tina Jurado ng PCMN.
Ang forum ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Media and Information Literacy initiatives ng lungsod na pinangangasiwaan ng QC PAISD.










