Nakibahagi ang mga batang ina at ama sa idinaos na Batang Ina Year 3 Summit na pinangasiwaan ng QC Gender and Development Council Office sa M.I.C.E Center ngayong Sabado.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na handang tumugon ang lungsod para sa mga pangangailangan ng mga kabataan, partikular na sa edukasyon, pangkabuhayan, at proteksyon para sa kanilang mga anak upang makamit ang kanilang mga pangarap.
Inilaan din ang bagong gawang Theater sa M.I.C.E. Center para sa special screening ng pelikulang Sunshine (2024) sa panulat at direksyon ni Antonette Jadaone na pinagbidahan ng aktres na si Maris Racal.
Layon nito na mapalalim pa ang kamalayan ng mga kabataan kaugnay ng mga usapin tungkol sa teenage pregnancy na paksa ng award-winning na pelikula.










