Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QC ATHLETES NASA GENSAN NA! ![]()
Nakarating na ang delegasyon ng Lungsod Quezon sa General Santos City para sa gaganaping Batang Pinoy 2025 ng Philippine Sports Commission.
Binubuo ng 382 youth athletes, 95 coaches, at 11 City Officials ang delegasyon na lalaban sa 27 sports competitions sa GenSan.
Buo ang tiwala ng Pamahalaang Lungsod Quezon na maiiuwi ng mga atletang QCitizen ang tagumpay.










