Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mag-aaral na nagsipagtapos! ![]()
Matagumpay na nagtapos ngayong araw ang 76 na mag-aaral mula sa Batino Elementary School (SPED Center).
Dumalo sa espesyal na seremonya sina District 3 Rep. Franz Pumaren, Coun. Atty. Tope Liquigan, Coun. Wency Lagumbay, mga guro at mga magulang para ipagdiwang ang mahalagang tagumpay na ito sa buhay ng mga mag-aaral.
Kaagapay ng bawat QCitizen na mag-aaral ang pamahalaang lungsod sa patuloy na pagsulong sa mga programang magbibigay ng oportunidad para maabot ang kanilang pangarap.








