Basta Quezon City employee, masipag, mahusay, at tapat magserbisyo sa publiko! ✨

Pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Bayani Ka! Award ang 16 na tauhan ng City General Services Department (CGSD) para sa kanilang maagap na aksyon sa pag-apula ng sunog na naganap sa QC ID storage nitong Agosto 7, 2023.

Kasama si CGSD OIC Fe Bass, tumanggap ng award sina Celso D. Castro, Samuel B. Gabad, Francisco A. Abrigo, Joey Rey A. Castillo, John Louie T. Arellano, Arnel T. Sagadal, Laura A. Paulino, Jon John V. Palisoc, Garry M. Acebuche, Ryan G. Miguel, William S. Corpuz, Julius L. Magparoc, Rex G. Geronim, Libreto F. Buisan, Danilo H. Pintac, at John D. Delaroca.

Kasunod nito, iginawad din kina Joseph Bacaling, Emilio Delos Santos, at Paul Pancho mula sa GSD ang QC Honesty Exemplar Award para sa kanilang pagsasauli ng mga nawalang kagamitan na kanilang napulot sa Quezon City Hall complex.

Mismong sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, mga konsehal, at department heads ang naggawad ng pagkilala sa mga katangi-tanging empleyado.

Ipinagmamalaki ng buong lokal na pamahalaan ang inyong tapat na serbisyo publiko!