Congratulations sa mga kawani ng pamahalaang lungsod na ginawaran ng Career and Self Development Award dahil sa pagpasa ng Civil Service Examination at pagtatapos ng kanilang post-graduate degree mula sa iba-ibang tanggapan.
Kasabay nito, iginawad din kay Mr. Rommel Romero ang Bayani Ka! Award mula sa Human Resource Management Department at QC Honesty Exemplar Award kay Mr. Carlito Pascua, Jr., ng Traffic and Transport Management Department matapos niyang isauli ang naiwan na wallet sa may-ari nito.
Nanguna sina Mayor Joy Belmonte, mga konsehal, at pamunuan ng HRMD sa paggawad ng award.
Congratulations at mabuhay ang mga manggagawang QCitizen!