Maagang inumpisahan ng Pamahalaang Lungsod Quezon at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ‘Bayanihan sa Estero’ cleanup drive sa Lagarian Creek sa Barangay Kalusugan ngayong Huwebes.
Layon ng operasyon na malinis ang 4-km creek na makatutulong upang mapaigi ang daloy ng tubig sa San Juan River. Bahagi ng operasyon ang pagtanggal ng mga solid waste, debris, at dredging.
Dumalo sa programa sina MMDA Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr., General Manager Usec. Procopio Lipana, Asec. David Vargas, City Engineer Atty. Mark Dale Perral, at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.








