Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Isinagawa ng Quezon City Government ang Bayanihan sa Estero sa Tullahan River sa Brgy. Sta. Monica.
Pinangunahan ito ng Quezon City Department of Engineering (QCDE), sa pakikipagtulungan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Barangay Sta. Monica.
Ito ay bahagi ng programa ng MMDA na naglalayong mabawasan ang pagbaha sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga bara tulad ng sludge at iba pang debris na nakahahadlang sa daloy ng tubig.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagpapatupad ng mga flood mitigation efforts upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga QCitizen.










