BAYANIHAN TAYO!
QC
Cebu
Patungo bukas sa Bogo City, Cebu ang delegasyon ng QC Government bilang paunang tulong sa mga biktima ng malakas na lindol na tumama Martes (September 30, 2025) ng gabi.
Binubuo ang delegasyon ng Rapid Damage and Needs Assessment Management Team ng QC Engineering Department, technical crew mula sa Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) na magsasagawa ng infrastructure audit at damage assessment, at Emergency Medical Services Team/Psychosocial Team para magbigay ng psychosocial first aid.
Sa panahon ng kalamidad, nananatiling buhay ang diwa ng malasakit at bayanihan.




