HAPPY VOLUNTEERS’ MONTH!
Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon at ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA) ang Bayanihang QC: Volunteerism Expo sa Gateway 1 ngayong araw.
Kasabay ng pagbubukas ng expo ang paglulunsad sa QC Volunteer Program, kung saan maaring nang mag volunteer ang QCitizens sa iba-ibang programa ng lungsod tulad ng QC Eduk-Aksyon, QC Sig-Laro, QC Eco-Sulong, at Kyuspecial Events.
Maaari itong ma-access sa QC E-Services upang makapili ang QCitizens sa mga programang pang-edukasyon, sports, environment, at mga malalaking event ng lokal na pamahalaan.
Iginawad ng PNVSCA sa lungsod ang award na Local Learning Hub on Volunteerism, bilang pagkilala sa mga inklusibong programa ng QC.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang programa kasama sina Councilor Anton Reyes, City Administrator Mike Alimurung, J. Amado Araneta Foundation Executive Director Christine Romero, PNVSCA Executive Director Donald Gawe, at QC Department heads.