Happy National Volunteers Month, QCitizens!
Nagsama-sama ang mga volunteer, organisasyon, at aspiring volunteers sa ginanap na Bayanihang QC: Volunteerism Expo 2025.
Sa temang “Lakas ng Mamamayan, tungo sa Kaunlaran,” layon ng pagtitipon na maibida ang iba-ibang volunteer opportunities ng mga organisasyon, at maitugma ito sa mga aspiring volunteer na may kaparehong prinsipyo at paniniwala.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na mas mabilis na makakamit ang kaunlaran sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pagtutulungan ng mga mamamayan, pamahalaan, at pribadong sektor.
Sa Quezon City, nakatuon ang bawat programa sa prinsipyong “Kasama ang Lahat sa Pag-unlad,” na gabay din sa pagsusulong ng bukas, patas, at inklusibong pamamahala.
Bukod kay Mayor Joy, dumalo rin sa expo sina Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA) Executive Director Donald Gawe, City Administrator Mike Alimurung, at iba pang department head at city officials.








