Nagsimula na ang beautification, clean-up, at repair works sa Tomas Morato Avenue.
Bahagi ito ng pagsasaayos at pagpapaganda ng mga pampublikong espasyo sa lungsod.
Layon ng proyekto na mas mapabuti ang kalagayan ng mga lansangan at mahikayat ang QCitizens na tangkilikin ang active transport tulad ng paglalakad at pagbibisikleta.
Inaasahang tatagal ng tatlong buwan ang operasyon.
Pinangunahan ng Office of the City Mayor (OCM), Quezon City Department of Engineering (QCDE), Parks Development and Administration Department (PDAD), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Barangay and Community Relations Department (BCRD), Business Permits and Licensing Department (BPLD), at District 4 Action Office ang nasabing proyekto.




