Salamat sa pagbisita sa Lungsod Quezon!

Bumisita sa city hall ang iba-ibang civil society organizations at mga kinatawan ng mga local government units mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Caraga Region. Inalam nila ang mga best practices ng QC government.

Kasama sa mga natalakay ang mga inklusibong programa ng mga departamento at ang maayos na implementasyon nito sa buong QC.

Nagbigay ng kani-kanilang ulat ang Barangay and Community Relations Department, City Planning and Development Department, Gender and Development (GAD) Council Office, Department of Sanitation and Clean-Up Works (DSQC), QC Health Department, Bangsamoro Affairs Office (BAO), at ang Office of the Vice Mayor.

Pinuntahan din ng mga delegado ang Materials Recovery Facility ng DSQC at GAD facility na QC Protection Center.

Pinasilip naman ng QC Public Affairs and Information Services Department (PAISD) ang studio kung saan ginaganap ang award-winning bi-monthly infotainment talkshow na “Usapang QC”.

Tinanggap nina Vice Mayor Gian Sotto, GAD TWG head Janete Oviedo, at BAO head Col. Jameel Jaymalin ang mga bisita.

+19