Binisita ng mga kawani ng Bayawan City, Negros Oriental ang Lungsod Quezon para sa benchmarking activity na pinangasiwaan ng Information Technology Development Department (ITDD) at Business Permits and Licensing Department (BPLD).
Ibinahagi ng ITDD at BPLD ang best practices at ang digitization ng business processes ng lungsod, partikular na ang QC E-services at ang QC E-payment.
Dumalo rin sa benchmarking activity si BPLD head Margarita Santos at mga kawani ng Tourism Department.