Bumisita sa Quezon City Hall ang mga opisyal ng Butuan City, Agusan del Norte upang alamin ang mga best practices ng pamahalaang lungsod.

Malugod na sinalubong nina Mayor Joy Belmonte at Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene S. Grapilon ang mga delegado mula Butuan City sa pangunguna ni Butuan City Councilor Reynante Desiata.

Kabilang sa mga programang inilahad ng lungsod ay ang QC Build Easy o automation ng building permit processes, programang pabahay, at ang mga gawain kaugnay sa city planning at development.