Iba-ibang best practices sa pagtitiyak na well-informed ang bawat QCitizen sa lahat ng mga programa ng lungsod ang ibinahagi ng Quezon City Government sa benchmarking ng mga opisyal mula sa Cagayan De Oro City.
Ipinakita ng Public Affairs and Information Services Department (PAISD) ang kanilang mga istratehiya at inisyatibo para mabilis at epektibong makapagbigay ng impormasyon sa mga residente ng QC, sa mga opisyal ng CDO Public Information Office.
Malugod na tinanggap nina Mayor Joy Belmonte at PAISD Head Bert Apostol ang PIO ng CDO sa pangunguna ni Mr. Ian Fuentes.
Kabilang sa mga ibinida ng PAISD ang bi-monthly online talkshow na Usapang QC, at proseso sa pagbuo ng press release at online content.