Iba-ibang programa at serbisyo ang ibinahagi ng Quezon City Government sa mga opisyal ng Cebu City Government sa kanilang pagbisita sa QC Hall ngayong umaga.

Mainit silang tinanggap ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto at City Administrator Mike Alimurung.

Kabilang sa mga ibinahagi na best practices ng lungsod ay ang QC BizEasy ng Business Permits and Licensing Department, programang pabahay sa ilalim ng Housing, Community Development and Resettlement Department, at Urban Revitalization plans at programs ng City Architect Department.

Lubos namang nagpasalamat ang Cebu City, sa pangunguna ni Cebu City Administrator Suzanne Adrosa, sa mga ibinahagi ng QC na maaari nilang i-replicate sa kanilang siyudad.