Iba-ibang programa ang ibinahagi ng Quezon City Government sa mga opisyal ng Dumalag, Capiz sa kanilang pagbisita sa Quezon City Hall ngayong hapon.
Malugod na sinalubong ng lokal na pamahalaan ang mga bisita, sa pangunguna ni Dumalag Mayor Maria Concepcion Castro.
Ipinakita ng lungsod ang mga programa at proyekto sa Disaster Risk Reduction and Management, pagsusulong ng turismo ng lungsod, at mga inisyatibo pang-ekonomiya.
Mismong sina QC Tourism Development OIC Tetta Tirona, Local Economic and Investment Promotions Office Chief Jay Gatmaitan at Donnie Marquez mula QC Disaster Risk Reduction and Management Office ang nag-present sa mga opisyal.