WELCOME TO QC, MALDIVES OFFICIALS!
Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng Kulhudhuffushi City, Republic of Maldives na pinangunahan ni City Mayor Mohamed Athif kasama ang mga council members para sa kanilang study tour sa Lungsod Quezon.
Bumisita ang delegasyon mula sa Maldives kaugnay ng naganap na Open Government Partnership Asia and the Pacific Regional Meeting noong Pebrero 5-7, 2025 sa Grand Hyatt Manila, Taguig City.
Upang maging pamilyar sa mga best practices ng QC, dinala sila ng lokal na pamahalaan sa QCitizen Homes Baesa, Sunnyville Farm, Joy of Urban Farm, Quezon City Public Library, at sa Fresh Market sa City Hall.
Nais ni Mayor Joy na maging sister city ng lungsod ang Kulhudffushi City, at isinasaayos na ito ng QC Council upang maging pormal ang kasunduan.
Nagpresent ng kani-kanilang mga programa at proyekto ang mga departamento ng lungsod tulad ng e-Governance at digitalization initiatives, green building ordinance, ang QC local climate change action plan, ang community-based tourism ng lungsod, ang tugon ng QC Government sa mga maliliit na negosyo sa QC, at ang mga commitments na inilatag ng QC Government kaugnay ng pagsali nito sa Open Government Partnership Local Program.
Nakapanayam ng mga bisita sina City Administrator Mike Alimurung, Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente, Councilors Anton Reyes at Aiko Melendez, at mga department heads ng QC Government.




