Ibinahagi ng Quezon City Department of Building Official (QC DBO) ang best practices ng lungsod partikular ang One Stop Shop for Construction Permits sa mga bumisitang opisyal at kawani ng Municipality of Daraga, Albay noong April 30, 2025.
Tinalakay ng QC DBO ang mga reporma at inobasyon na ipinatupad para mapabilis at mapadali ang proseso ng pagkuha ng construction permits sa lungsod. Ang One Stop Shop ay bahagi ng mga hakbang ng Quezon City para mapabuti ang ease of doing business at serbisyo sa publiko.
Pinangunahan nina DBO Head Engr. Isagani Verzosa, Jr., DBO Asst. Building Official for Administration Engr. Kennedy Diokno, DBO Chief-IAD Atty. Freddie Lilagan, Engr. Jude Lapesura, Ms. Mylah Biason, at Mr. John Caster Salgado, para sa mga opisyal at kawani ng Municipality of Daraga, Albay na kinatawan nina Municipal Engineer Fiel Montallana, Ar. Angelo Lindio, Engr. Merphie Asaytuno, at Alexander Millare.




