WELCOME TO QC!
Nagsimula na ang 2-day benchmarking activity ng Lungsod Quezon para sa mga bisita mula sa Negros Occidental local governments at Angat Bayi Inc. kahapon.
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa diskusyon patungkol sa best practices at good governance na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.
Tinalakay sa benchmarking activity ang mga programa ng Gender and Development Council Office (GAD), Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO), at ang digitalization ng Business Permit and Licensing Department (BPLD).
Dumalo sa programa sina Isabela, Negros Occidental Mayor Irene Montilla, Victorias City LEDIP Officer Paolo Valladarez, GAD Council TWG head Janete Oviedo, SBCDPO head Mona Yap, BPLD head Margie Mejia, at Angat Bayi Inc Co-Executive Director Maya Tamayo.