Nakiisa ang QC Public Affairs and Information Services Department (PAISD) sa paglulunsad ng Metro Manila Communication Enhancement Program ng Philippine Information Agency.
Layon ng programa na matulungan ang mga public information officer at communicator sa mga local government unit (LGU) upang mas mapabuti ang paghahatid ng serbisyo sa pamamagitan ng information dissemination.
Bilang bahagi ng programa ay nagsagawa ng benchmarking activity sa PAISD ang mga LGU PIOs na miyembro ng Association of Information Officers in Metro Manila (AIMM) para malaman ang best practices ng QC sa epektibong paghahatid ng impormasyon.
Ipinasilip din sa mga bisita ang PAISD studio kung saan ginaganap ang award-winning bi-monthly infotainment talkshow ng QC na “Usapang QC”.