Sinamahan ng QC Public Affairs & Information Services Department (PAISD) ang media team ng Provincial Government ng Marinduque sa pagbisita sa iba-ibang media agencies matapos ang kanilang benchmarking activity sa QC Government.
Kabilang sa binisita ng grupo ang ABS-CBN Broadcasting Network, People’s Television Network (PTV), Philippine Information Agency (PIA), at Presidential Broadcast Service (PBS).
Nakaharap nila ang mga batikang news anchor ng TV Patrol na sina Mr. Noli “Kabayan” De Castro, Ms. Bernadette Sembrano, Ms. Karen Davila, Mr. Alvin Elchico, Ms. Dyan Castillejo, Ms. Gretchen Fullido, at ABS-CBN News Head Ms. Francis Toral. Nakasalamuha rin ng grupo sina Mr. Dindo Amparo, Director General ng PBS-Bureau of Broadcast Services, Mr. Allan Allanique, Station Manager ng DZRB Radyo Pilipinas-Radyo Publiko, at Ms. Alice Sicat, PIA-NCR Asst. Regional Director bilang kinatawan ni Mr. Emver Cortez, PIA-NCR Regional Director.
Handa ang PAISD na tumulong sa mga kapwa information officers para mas mapalawak at madagdagan ang kaalaman ng lahat ukol sa proseso ng pagkalap at pagbuo ng balita, at mahusay na paghahatid ng impormasyon sa publiko.




