Nagsagawa ng benchmarking activity ang Quezon City Government, sa pangunguna ng QC Tourism Department (QCTD), para sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Ormoc City.
Layon nitong ibahagi sa mga dumalong kawani ng gobyerno ang mga programa ng Lungsod Quezon sa pangangalaga ng kalikasan at tamang pamamahala ng basura.
Tinalakay ng Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) ang kanilang mga inisyatiba tungo sa sustainable at plastic-free na QC tulad Kilo/s Kyusi at Trash-to-Cashback Program.
Ibinahagi naman ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) ang sistema sa pangongolekta ng basura sa lungsod. Partikular ang pagkakaroon Materials Recovery Facilities at Centralized Dispatching Garage, gayundin ang tamang pangangasiwa ng special waste mula sa mga ospital at barangay health centers.
Magsisilbi itong gabay sa pagpapatupad ng mga epektibong programa para mapanatiling malinis at ligtas ang kapaligiran.
Nakibahagi sa aktibidad si QCTD Promotions Division Supervising Tourism Operations Officer Sarah Easter Tenorio, at mga kinatawan ng CCESD at DSQC.








