Bumisita ang Public Information Office ng Silang, Cavite sa Quezon City Hall para sa isang benchmarking activity. Nais malaman ng mga kawani ng PIO ng Silang ang best practices ng lungsod pagdating sa information dissemination.
Malugod na tinanggap ng Team PAISD sa pangunguna ni Bert Apostol ang team PIO Silang, Cavite na pinamumunuan naman ni Ms. Glenda Callanta.
Isa-isang nagbahagi ang bawat division ng PAISD ng kanilang mga proyekto, proseso, at pagbuo ng contents at communication materials para sa Lungsod Quezon.
Pinasilip rin ng PAISD ang studio kung saan ginaganap ang bi-monthly online talk show na Usapang QC.




