Mainit ang naging pagtanggap ng Quezon City Business Permits and Licensing Department (QC BPLD) sa mga kinatawan ng San Jose del Monte, Bulacan Business Permits and Licensing Office (SJDM BPLO) para sa kanilang benchmarking activity.
Pinangunahan ni Ms. Evangeline Garcia ng SJDM BPLO ang pagbisita, kung saan ibinahagi ni QC BPLD Head Margie Mejia ang mas pinabilis na proseso ng pagkuha ng business permits sa pamamagitan ng Online Business Permit Application System, pati na rin ang sistema ng archiving, at ang office set-up ng bawat division ng kanilang tanggpan.
Isang makabuluhang palitan ng kaalaman at karanasan tungo sa mas mahusay na serbisyo publiko at pagnenegosyo!




