Malugod na tinanggap ng Quezon City Government ang delegasyon mula sa Bangladesh para sa isang benchmarking activity, sa pangunguna ng Quezon City Youth Development Office (QCYDO) at Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO).
Tinalakay sa aktibidad ang mga programa, serbisyo, at best practices ng Lungsod Quezon sa larangan ng youth development, employment facilitation, at iba pang serbisyong pampubliko.
Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa Technical and Madrasah Education Division (TMED), International Labour Organization (ILO) Bangladesh, Directorate of Technical Education (DTE), Ministry of Labor & Employment, Bangladesh Employers Federation (BEF), Colombo Plan Staff College, at Jatio Sramik Jote Bangladesh, NCCWE.
Sa pamamagitan ng palitan ng kaalaman at karanasan, patuloy na isinusulong ng Quezon City Government ang makabuluhang pakikipagtulungan at pagbabahagi ng mga programang maaaring magsilbing inspirasyon sa pagpapabuti ng serbisyo publiko. ![]()
#QuezonCityGovernment#QCPESO#QCYDO#Benchmarking










