Bumisita sa Quezon City ang mga delegado mula sa Japan Ministry of Health, Labor, and Welfare (MHLW) para pag-aralan at alamin ang mga programa ng Public Employment Service Office (PESO).

Malugod silang sinalubong nina Vice Mayor Gian Sotto at Coun. Bernard Herrera sa kanilang pagdating sa Quezon City Hall ngayong araw.

Inikot nila ang opisina ng PESO, kung saan ipinaliwanag ni PESO Manager Rogelio Reyes ang mga serbisyo at inisyatibo ng kanilang opisina para sa mga manggagawang QCitizen, at kung paano tinutuldukan ng lungsod ang problema sa child labor.

Kasama sa mga bumisita sa QC Hall ngayong araw sina Takashi Sugimori at Harufumi Chonan mula MHLW; Minako Takasaki ng World Association of Public Employment Services (WAPES); Yuki Suzuki mula Embassy of Japan in the Philippines, at mga kinatawan mula Department of Labor and Employment (DOLE).

+20