Dumalo ang delegasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte sa Benchmarking on Sustainable and Adoptable Best Practices in Seoul, Republic of Korea.
Pinangunahan ng mga opisyal ng CityNet ang presentasyon ng mga Sustainable and Adoptable Best Practices ng mga partner cities ng CityNet para sa mga kasapi ng Liga ng mga Barangay ng Lungsod Quezon.
Kabilang sa mga nagsalita sa knowledge-sharing sina Mr. Jeong-kee Kim, Chief Executive Officer ng CityNet, Mr. Jaime Paulo Mora, Senior Programs Officer ng CityNet at Mr. Chris Di Gennaro, Program Officer ng CityNet.
Present din ang Director of Programs ng CityNet na si Ms. Youngmin Chang.
Ang CityNet ay ang pinakamalaking samahan ng mga urban stakeholder na nakatuon sa sustainable development sa Asia Pacific region. Itinatag ito noong 1987 sa suporta ng UNESCAP, UNDP at UN-Habitat.
Kasama ni Mayor Joy sa delegasyon sina, Coun. Alfredo Roxas, President, QC Liga ng mga Barangay, Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Ma. Margarita Santos, Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, Barangay Community Relations Department (BCRD) Head Ricky Corpuz, Ms. Rowena Macatao, Chief of Staff, Office of the City Mayor, Mr. Emmanuel Borromeo, City Director, Department of the Interior and Local Government – Quezon City, Atty. Raymond Alcantara, Cluster Head, Department of the Interior and Local Government – Quezon City, Mr. Oliviere Belmonte, District 1 Action Officer, Atty. Enrile Teodoro,District 2 Action Officer, Atty. Thomas John Thaddeus, District 3 Action Officer, Mr. Alberto Flores, District 4 Action Officer, Atty. Mark Anthony Aldave, District 6 Action Officer at mga kapitan ng barangay sa Lungsod Quezon.