Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa, hinihikayat ng ating lokal na pamahalaan ang lahat na gumamit ng bisikleta bilang alternatibong paraan ng transportasyon.
As of 2025, umabot na sa 19,232 ang daily average na bilang ng mga siklista sa Lungsod Quezon.
Patunay lamang ito na mas pinipili na ng marami ang pumadyak araw-araw dahil may hatid itong iba-ibang benepisyo tulad ng mga sumusunod:
Mas malusog na pangangatawan
Nakakabawas ng stress
Nakatitipid sa pamasahe
Hindi kailangan gumastos para sa gasolina
Mas malinis na hangin
Mababawasan ang carbon emissions
Maiiwasan ang traffic
Makakahanap ng mga bagong kaibigan
Tara na at sumama sa pagpadyak para sa mas malusog at masayang buhay, QCitizens! ![]()
![]()





