Nagsagawa ng hearing ang Oversight Committee ng City Council para talakayin ang insidenteng kinasangkutan ng isang private educational institution sa lungsod noong nakaraang linggo.
Sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto, Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, at Coun. Aly Medalla, pinakinggan ng konseho ang panig ng legal counsel at mga guro ng paaralan, maging ang ilang mga mag-aaral at magulang.
Dumalo rin sa pagdinig ang mga kinatawan ng Commission on Higher Education, Department of Education, Hermosa Municipal Police Station, at City Government department heads.
Layon ng committee hearing na imbestigahan ang nangyaring insidente at makabuo ng mga kaukulang hakbang at polisiya.
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-93-682x1024.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-92-1024x682.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-91-1024x682.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-90-1024x682.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-89-1024x682.jpeg)