Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa at proyekto ng Quezon City para mas mapaayos at mapaganda pa ang kalidad ng hangin sa lungsod, sa ginanap na Better Air Quality (BAQ) Conference 2023.

Sa plenary session ng conference, ipinaliwanag ni Mayor Joy kung paano ginagamit ng QC ang data na nakokolekta mula sa mga air quality sensors sa pagbubuo ng plano at desisyon para sa lungsod.

Kabilang din sa mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan ang pagpapalawak ng bike lanes, pagpapaunlad ng pedestrian network, at transition ng mga government vehicle sa electric. Mayroon ding Air Quality Management Plan ang QC na nagtatakda ng mga programa para sa kalidad ng hangin.

Kasama ni Mayor Joy na nagbahagi rin ng kanilang programa sina Nepal – Municipality of Kathmandu Valley, Changunarayan Mayor Jeevan Khatri, Indonesia – Tangerang City Head of Planning Agency Decky Priambodo Koesrindartono, at C40 Cities Regional Director for East, Southeast Asia & Oceania Milag San Jose-Ballesteros.

Ang Better Air Quality (BAQ) Conference ay inorganisa ng Asian Development Bank, Climate and Clean Air Coalition, at Clean Air Asia na dinaluhan ng mga delegado mula sa iba-ibang bansa.

+11