Food security and sustainability for a better world 🌏

Nanguna sina Mayor Joy Belmonte at San Miguel Foundation (SMF) Chairperson Cecile Ang sa muling pagbubukas ng Better World Diliman sa Barangay UP Village.

Sa pakikipagtulungan ng partner organization na Scholars of Sustenance Philippines, mabibigyan ng masustansyang pagkain ang persons deprived of liberty sa Quezon City Jail Female Dorm at iba pang QCitizens na nabibilang sa vulnerable sector.

Sa pamamagitan ng food rescue program ng SOS PH, nakapaghain na ang organisasyon ng aabot sa 1 million meals bilang tugon sa food insecurity.

Nakiisa sa Better World Diliman grand relaunch sina SOS PH Country Manager Rachel Luna, SMF Executive Director Kin Lichauco, San Miguel Chief Sustainability Officer Tatish Palabyab, at QC JFD Warden JCInsp Lourvina Abrazado.

Suportado naman ang programa nina Climate Change and Environmental Sustainability Department Head Andrea Villaroman, QC Food Security Task Force Co-chairperson Emmanuel Hugh Velasco, Rise Against Hunger Philippines Director Jomar Fleras, at Brgy. UP Village Chair Virgilio Ferrer.

+35