Binisita ng 130 estudyante mula sa Bicol University- College of Social Sciences and Philosophy ang dalawang residential care facilities sa Lungsod Quezon, ang Molave Youth Home at ang Bahay Aruga.
Pinangasiwaan ng Social Services Development Department (SSDD) ang hiling ng mga estudyante na maobserbahan ang dalawang pasilidad. Sa ginanap na open forum, pinuri ng mga mag-aaral ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa maayos na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga nasasakupan nito, at ang mataas na pagkilala sa propesyon ng Social Work at Social Welfare Development.