Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Dumalo ang mga kawani ng iba-ibang departamento ng Lokal na Pamahalaan sa idinaos na bike lessons na pinangasiwaan ng Department of Public Order and Safety (DPOS).
Layon ng seminar na mapalalim pa ang kalaaman ng mga empleyado ng City Hall sa ligtas na pagbibisikleta at maging bahagi ng pagtataguyod ng active lifestyle.
Kasama sa tinalakay ng DPOS ang road safety awareness, traffic hand signals, ang magandang epekto ng pagbibisikleta sa physical at mental health, at practical training sa paggamit ng bisikleta.








