Nagsagawa ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Public Order and Safety (DPOS), ng bike lessons para sa mga empleyado ng City Hall na nais matuto at mas mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbibisikleta.
Bukod sa mga seminar tungkol sa road safety awareness, tamang traffic hand signals at body gestures, tinalakay rin ang kahalagahan ng pagbibisikleta para sa health at wellness, gayundin ang wastong asal at disiplina na dapat ipamalas sa daan. Sinundan ito ng practical training gaya ng troubleshooting, riding drills, at return demonstration.
Layunin ng inisyatibong ito na hindi lamang paigtingin ang kalusugan ng mga empleyado, kundi isulong din ang pagbibisikleta bilang alternatibong transportasyon tungo sa sustainable at green-friendly na Quezon City.
Pinangunahan ito nina DPOS Head Gen. Elmo DG. San Diego, katuwang ang iba pang city departments, kasama ang bike groups tulad ng Cycle Brothers at Bikers United Movement (BUM).








