Tuloy-tuloy ang operasyon ng Department of Public Order and Safety- Green Transport Office (DPOS-GTO) Bike Patrols para tiyaking ligtas ang mga siklista na gumagamit ng bike lane sa Lungsod Quezon.
Kanina nag-ikot sila sa Congressional Ave papuntang Luzon Ave at sinita nila ang mga motorista na dumadaan sa bike lanes.
Ang Quezon City ay maituturing na bike-friendly city dahil mayroong itong ligtas at protektadong 93-kilometrong bike lane network.