Bilang pakikiisa ng Quezon City sa ginanap na National Bicycle Day noong Nobyembre 27, nagsagawa ng Bike Run Event ang Green Transport Division ng Department of Public Order and Safety kasama ang ibang bicycle organizations sa QC.

Pumadyak ang mga nakilahok sa 10 kilometrong ruta mula sa QC Hall, patungong Elliptical Road, Commonwealth Ave, University Ave, CP Garcia, Katipunan Ave, Rosa Alvero, Esteban Abada St, Xavierville, Chico/Langka, Kamias Road, EDSA, at East Ave.

Layon ng aktibidad na i-promote ang 93-kilometrong bike lanes sa lungsod at mahikayat ang paggamit ng mga alternative transportation.