May bagong aabangang bike park sa Quezon City na malapit nang buksan.
Matatagpuan ito sa loob ng Payatas Controlled Dumpsite Facility (PCDF). Ang dating dumpsite, ngayon isa nang napakagandang park!
Binisita at ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte at Assistant City Administrator Alberto Kimpo ang bike trails para matiyak na ito ay ligtas sa mga siklista.
Layon ng lokal na pamahalaan na bigyang-buhay at tuloy tuloy na mapaganda ang PCDF upang mapakinabangan ng mga QCitizen..